Una sa Balita

3.6 milyong weekly view: ‘Halik’ super wagi, nangunguna sa iWant TV

0 1,236

Mas marami pa ring Pilipino ang tumutok sa mga makabuluhang balitang hatid ng ABS-CBN noong Oktubre matapos nitong magtala ng average audience share na 44% laban sa 31% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ang ABS-CBN ang inantabayanang network sa parehong urban at rural homes, partikular na sa Metro Manila, matapos itong magrehistro ng average audience share na 42%, kumpara sa 25% ng kalaban. Nanaig din ang Kapamilya network sa Mega Manila sa pagkamit nito ng 36%, laban sa 33% ng katapat.

Panalo rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39% kumpara sa 34% ng GMA; sa Total Visayas kung saan nakakuha ito ng 53% kontra sa 24% ng GMA, at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 53% at tinalo ang 25% ng GMA.

Abante Hiring – IT dep

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebis­yon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Anyway, siyam sa sampung pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN na pinangu­nahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” (43.6%) at sinundan naman ng “TV Patrol” (32.2%).

Kasama rin sa top ten ang “Nga­yon at Kailanman” (29.4%), “The Kids’ Choice” (25.6%), “Wansapanataym” (23.5%), “Home Sweetie­ Home” (22.6%), “Meteor Garden” (22.5%), “Halik” (22.1%), at “MMK 25” (21.8%).

Bukod naman sa pa­mamayagpag nito sa tele­bisyon, sinusubaybayan din online ang mga kaganapan sa teleser­yeng “Halik” na humakot na ng 3.6 mil­yong weekly views sa iWant TV.