Una sa Balita

Mas malaking tigil-pasada ikinakasa sa Oktubre

By , ,
0 137

Hindi pa man natatapos ang dalawang araw na tigil­-pasada na pinangunahan ng Stop and Go Transport Coalition ay nag-anunsyo na rin kahapon ng mas malaki umanong transport strike pagpasok ng buwan ng Oktubre ang isa pang grupo ng mga jeepney driver at operators.

Ayon kay George San Mateo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), isang mas malaking protestang bayan ang ikinakasa ng kanilang grupo at iba pang transport organization sa Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng bansa sa Oktubre laban sa jeeney phase-out.

Hindi kasama sa tigil-pasada kahapon at nga­yong araw ng Martes ng Stop and Go Transport Coalition ang grupo nina San Mageo pero ipinaliwanag nito na wala silang natanggap na imbitasyon at walang koordinasyon sa kanila ang naturang grupo kaya hindi sila sumali dito.

Samantala, libu-libong commuters ang naapektuhan ng tigil-pasada kahapon sa kabila ng ikinalat na mga bus at mi­litary trucks ng pamahalaan sa Metro Manila.

Nabatid na lumahok din sa protesta laban sa jeepney modernization ang mga miyembro ng koalisyon sa Central Luzon at CALABARZON.

Mistulang nakisabay pa sa tigil-pasada ang isang tren ng Metro Rail Transit-3 nang tumirik ito sa Ortigas Station southbound pasado alas-otso ng umaga kahapon sa gitna ng rush hour.

Problemang teknikal ang muling idinahilan ng pagtirik. 

 

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More