Una sa Balita

Mas malaki ba ang sa puti?

0 677

Dear Dra Holmes:
Sabi po ng asawa ko na oo nga, mas maliit ang Pinoy kaysa sa ibang dayuhan pero mas matigas daw ang ari nila.

Totoo po ba ‘yun? Nasabi po niya ‘yun nang nagbitaw ako ng “WOW” nang nakita ko ang ari ng isang Amerikanong itim sa internet porn na pinapanood namin.
Gina

Dear Gina:
Maraming Salamat sa sulat mo. Ngayon na alam ko ang situwasyon nang kanyang pagsabi, hindi na ako mag-aalala na nagalit siya sa iyo dahil may duda siya na nakipagtalik ka sa dayuhan. (Iba kasi ang pagsagot ko kung galit siya). Una, totoo ngang mas maliit ang karamihan ng Asiano sa karamihan ng mga puti o Afrikano o Arabo.

Hindi ito bola, hindi ito basehan lamang ng aking karanasan bilang sex therapist. May pananaliksik ang mga taga-Thailand bago sila nagbukas ng pabrika ng gumagawa ng condom at ‘yun rin ang resulta.

Hindi lang ‘yun. Si Dr. Kaplan, habang siya ay direktor ng Payne Whitney Psychiatric Unit ng Cornell Medical College ay nagkuwento tungkol sa mga asawang Vietnamese ng mga sundalo na dinala ang asawa nila sa Amerika pagkatapos ng Vietnam war. Marami sa mga babae ay nasasaktan kapag nagsisiping sila.

So, ang Cornell Medical College ay gumawa ng “cock ring” na sinuot ng lalake para malaman nila na hanggang dun lang puwedeng ipasok ang ari nila. Hindi nila malagay ang buong ari nila dahil Asiano at hindi Amerikana ang mga asawa nila.

Pero ok lang ‘yun kasi mas maliit naman rin ang mga ari ng mga babaeng Asiano kaysa sa mga babaeng puti o Afrikano o Arabo. Inaasahan ko na nakatulong itong na-i-share ko sa inyo. Ingat—MG Holmes

***

Si Dra. Holmes at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy