Una sa Balita

Mas mainit na panahon ngayong Mayo

By
0 900

Asahan pa ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw dala pa rin ng umiiral na ridge of high pressure area (HPA) lalo sa hilagang Luzon.

Ito ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), matapos maitala kahapon ang 48.4 heat index sa Calapan City, Oriental Mindoro, at marami pang ganitong mataas na temperatura ang mararanasan sa bansa lalo ngayong Mayo.

Ayon sa Pagasa, ang ganitong klase ng init ay maaari itong magdulot ng heat stroke at dehydration kaya ugaliin na uminom ng tubig at umiwas sa tindi ng sikat ng araw sa pagitan ng alas-10:00 nang umaga hanggang alas-kuwatro nang hapon.

Habang nakakaranas ang hilagang Luzon ng matinding init ay makakaranas naman ng easterlies ang ibang bahagi ng bansa at asahan din ang kalat-kalat na pag-ulan sa buong bansa kabilang na ang Metro Manila. kalat-kalat na pag-ulan sa buong bansa kabilang na ang Metro Manila.