Una sa Balita

Mas mahal ng tao ang mababang loob

0 438

Hindi matapos-tapos ang debate kung sino ang GOAT o greatest player of all time sa National Basketball Association (NBA).

Kinikilala ng halos lahat si Michael Jordan bilang nag-iisang GOAT ng basketball bago duma­ting ang posibleng sumipa sa kanyang trono na si LeBron James.

Bagama’t hindi­ matatawaran ang nagawa, at gagawin­ pa, ng The King sa NBA, malinaw­ na si Jordan­ pa rin ang ‘Black Jesus’ ng naturang sport na naimbento ni James Naismith taong 1891.

Kamakailan lang, walang takot na idineklara ni LeBron na siya ang GOAT matapos pangunahan ang pag-ahon sa 3-1 pagkalubog kontra Golden State Warriors noong 2016 at wakasan ang 52-taong tagtuyot ng Cleveland Cavaliers sa NBA crown.

Pagkatapos nito, parang kabute namang naglabasan sa Youtube, Twitter at Facebook ang video interview taong 2009 ni Jordan kung saan sinabi niyang ayaw nito ng GOAT title dahil kawalan ito ng respeto sa mga nauna sa kanyang mga NBA Legend din katulad nina Wilt Chamberlain at Jerry West na hindi na umano niya naabutan at nakalaban sa hard court.

Isa nagdeklara na siya ang GOAT pero hindi (o hindi pa). Isa naman na GOAT pero nagpapakumbaba at tinitinga­la ng marami bilang totoong GOAT.

Sa anumang larangan, mas hinaha­ngaan at minamahal ng fans ang mapagkumbaba at hindi nagmamalaki na siya ang pinakama­galing.

Hindi ito pag-atake kay James. Hindi rin ito pagpanig kay Jordan.

Bilang isang nag­lalaro rin ng basketball, alam natin na mas mahal ng tao ang mapagkumbaba at hindi nagyayabang.

Siguro hindi talaga nagyayabang si LeBron, sinasabi lamang niya ang kanyang opinyon at nararamdaman.

***

Happy new year po sa ating lahat.

Binabati ko ang aking mapagmahal na misis na si Vernadeth maging ang a­king tatlong makukulay na anak na sina Blue, Pink at Gray.

Pagbati rin sa mga dati kong katrabaho na sina Krizara ‘Kring’ Tibus at Korinah ‘Koning’ Ramos-Samorines pati sa aking best buddy na si Elmer ‘The Boss’ Manuel ng Daily Tribune. Ayusin at mahalin ninyo ang bago ninyong hanapbuhay at maging propesyunal sa lahat ng oras katulad ng ginagawa ninyo sa dating trabaho natin.

Dasal ko ang mapayapang 2019, at mga darating pang taon, sa ating lahat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy