Una sa Balita

‘Mas mahal ko si Glaiza’ Angelica nilaglag sina Kim, Bela

0 1,001

Feeling left out nga ba si Glaiza de Castro sa “friendship” nina Angelica Panganiban, Kim Chiu at Bela Padilla?

Alam nga ng lahat na si Glaiza ang pinaka-close kay Angelica sa showbiz. Silang dalawa ang madalas magkasama sa abroad, at magkasundo sila sa mga trip sa buhay.

Pero recently nga ay nagpa-tattoo (ga-nunal lang) sina Angelica, Kim, Bela (#AngBeKi) at hindi nga kasama si Glaiza.

Kaya naman super react ang mga fan. Sira na ba ang friendship nina Glaiza at Angelica?

Anyway, sa latest Instagram post ni Angelica, si Glaiza naman ang kasama niya, at super happy sila. Super paliwanag nga si Angelica kay Glaiza.

Nagkakaintrigahan nga sa kung sino ba talaga ang mas malapit sa puso ni Angelica, sina Kim, Bela o si Glaiza? Medyo nilaglag pa nga ni Angelica sina Bela at Kim, na sinasabayan niya ng tawa.

“Mga chix ko lang si @bela at @chinitaprincess ??‍♀️ Ikaw talaga mahal ko @glaizaredux wag ka na magselos sa nunal namin #harder,” caption ni Angelica.

Sa video nila ay nagsabi si Glaiza na…

“Baka magalit sila mapapanood nila ito?”

Anyway, siyempre biruan lang ang lahat. Dahil si Angelica, pareho namang close talaga kina Bela, Kim, at lalo na kay Glaiza. At sa naturang post ni Angelica, malulutong na tawa lang ang reaksiyon ni Bela at ng iba pang taga-showbiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy