Una sa Balita

Mas mabuting lumayo

0 385

Dear Abante:

Sawa na ba kayong binabastos ng inyong mga kamag-anak batay sa inyong ‘choices’ sa buhay? Bawat salo-salo na lamang, gusto niyo mapalayo, mapag-isa, at kung maaari, ‘di na sila makita kahit kailan. Ang hirap kasi talaga kapag hinihingi nila ay respeto pero kasing kitid ng eskinita sa Recto ang pag-intindi nila. Pero batay sa aking karanasan, puwede niyo itong mapabago.

Una pa lamang, subukan niyo munang pag-usapan kasama ang inyong magulang ang napapansin, sabihin niyo ito sa paraang hindi galit, baka kasi mamaya, ikaw pa ang bastos. Sana lamang sa unang hakbang na ito, nagtagumpay na kayo dahil kung hindi, mas mabuti pa ata na huwag o hindi na lang bigyan ng masyadong pansin ang mga kamag-anak mo at bigyan ng kapayapaan ang kaisipan.

Kung sakali na lamang na open-minded ang pag-intindi ng inyong magulang, magsaya dahil nabiyayaan kayo — maiintindihan nila at baka bigyan kayo ng mga advice o puwede rin na ipaintindi sa inyo kung bakit ganoon ang kanilang pag-iisip.

Sa huli, sana’y masabi at makapagbago ito sa pagtungo sa isa’t isa. At siyempre, sa positibong pamamaraan. Kung ang pinag-uusapan man ay relihyon, politika, at desisyon sa buhay kagaya ng mga piling kurso, dapat irespeto.
Kiel Christian Lerio

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy