Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mas mabagsik! Publiko mag-ingat sa Delta variant – DOH

0 39

Pinag-iingat ng Department of Health ang publiko laban sa Delta variant na mas doble ang bagsik kumpara sa UK COVID variant para hindi maulit ang krisis na dinanas ng mga taga-Metro Manila noong Abril at Mayo.

Sa Laging Handa press brie­fing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mabilis ang pagkalat ng kontaminasyon ng Delta variant kaya dapat gawin pa rin and todong pag-iingat na ginagawa laban sa COVID-19.

“Kung saka-sakaling nga pong mangyari ito, maaaring mas mabilis ang pagkalat ng impeksiyon, maaring marami na naman ang maospital,” ani Vergeire.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mas mainam pa rin aniya na magtutulungan ang gobyerno at publiko para mapanatili ang kaligtasan sa harap ng patuloy na pagharap sa pagsubok ng COVID-19.

“Hindi naman sa pag-aalarma pero kailangan cautious tayo, kailangan aware tayo, kailangan alamin natin ang sitwasyon.,” dagdag ni Vergeire.

Nanawagan ang opisyal sa local government units na kahit ano pang variants ang nasa bansa ay mahalagang ipatupad pa rin ang basic health protocols at magpabakuna para magkaroon ng proteksiyon laban sa variants na nakakapasok sa bansa.

“Ang ating ipinapaalala lang sa ating local government units, no matter what variants we have kung gagawin po natin ng maa­yos ‘yong ating pagpapatupad ng minimum public health standards at magpabakuna po tayo kung eligible na tayo. Ito po ang kaya nating gawin para ma-prevent natin from having this variants being dominant in the country,” wika ni Vergeire. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.