Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mas love na ng mga faney: James nilampaso ni Christophe sa IG ni Nadine

0 212

Magkasunod na pinost ni Nadine Lustre ang photo na kasama niya ang ex-boyfriend na si James Reid, pati na ang present dyowa niyang si Christophe Bariou.

At hindi maiwasang ikumpara ang like, comment ng mga netizen, ha!

Na bagamat umabot na sa 362,205 ang nag-like sa photo na JaDine, at may 1,499 ang komento, ramdam mong matabang na talaga ang eksena sa dalawa. Sita ng mga fan, ni hindi na naghahawak ng kamay ang dalawa, kahit sa photo lang. May iba na umaasam na magkabalikan pa rin sila.

Samantala, mas nakakabigla nga ang reaksiyon ng mga fan sa photo ni Nadine na masayang-masaya siya sa piling ni Christophe. May photon halos magtukaan na sila, ha!

Imagine, umabot na sa 777,334 ang nag-like sa mga photo na `yon. At may 12,455 komento na. At in fairness, bagamat may mga nagsasabi na hindi pa sila nakaka-move on sa hiwalayan ng JaDine, pabiro na lang nilang sinasabi `yon. At yes, mas marami na rin ang tanggap ang relasyon ni Nadine kay Christophe, ha!

Overwhelming nga ang 777,334 na like sa mga photo nila, at pagpapatunay lang na tanggap na talaga ng mga fan ang dyowa ni Nadine. Mababasa nga ang mga linyang, ‘Kung saan ka masaya Nadine, susuportahan kita.’

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.