Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Mas bet si Charlie’ Alindog ni Ivana ayaw sunggaban ni Joshua

0 335

Daming nag-aabang kung saan na napunta ang Joshua Garcia, Ivana Alawi tandem? Ang daming naniniwala na magiging bonggang tandem ang dalawa, lalo na at aminado si Ivana na bet na bet niya si Joshua.

Pero, mukhang malabo nga `yon sa ngayon, dahil si Ivana, natsismis kay Marco Gumabao, at si Joshua, abala kay Charlie Dizon, dahil magkasama sila sa teleseryeng ‘Viral Scandal’.

So, hindi ba nauwi sa mas malalim na samahan ang naumpisahang chikahan nina Ivana at Joshua?

“Hahahaha. Grabe ha!

“Ahhh, hindi pa ulit kami nagkakausap. Usually kasi ang pinag-uusapan lang namin sa DM (direct message), parang story con lang, ganun lang. Kung ano ang nakakaagaw ng atensiyon ko, nakakaagaw atensiyon niya. Mga small talks lang din. ‘Yun lang naman!” sabi lang ni Joshua.

So, walang ligawan na nangyari sa kanila? Hindi ba sinamantala ni Joshua ang pagkakataon na inamin ni Ivana na matindi ang tama nito sa kanya?

“Ang bilis nga ng mga story. Wala. Pero, wala naman tayong magagawa, ganun talaga ngayon!” sabi lang ni Joshua, na ang tinutukoy ay kahit daw nag-like lang, o konting chika lang ng dalawang artista, nabibigyan agad ng kulay, at nagba-viral agad.

Pero sa totoo lang, kung ibang artista, aktor lang ‘yan, na nalamang bet na bet sila ni Ivana, siguradong gagawa agad ng paraan para mapalapit, maging dyowa ang dalawa. Pero siguro, hindi type dyowain ni Joshua si Ivana, o hindi pa niya bet magkadyowa ngayon.

Anyway, kung mabibigyan ng pagkakataon na makatrabaho uli si Charlie, bet niya na rom-com naman, at hindi ganitong mga heavy drama.

“Nami-miss ko na ang rom-com. Mga karakter ko kasi ngayon puro seryoso. Gusto ko naman magpatawa.

“Masaya kasi ‘yon. Nagi-enjoy ako. Iba ang feeling pag rom-com. Mas nakakagalaw ako ng maayos,” sabi ni Joshua.

“Oo nga, rom-com naman!” hirit naman ni Charlie.

So, ano pa ba ang dapat gawin? Aba, bigyan na ng pelikula ang dalawa na rom-com naman. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.