Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mas bet ng mga music expert: Katrina tinalbugan si Christina Aguillera

0 213

Lumilikha ng atensyon si Katrina Velarde sa YouTube dahil sa cover version niya ng “Reflection”, ang original soundtrack ng Disney movie na “Mulan”, na kinanta ni Christina Aguillera.

Nagpasalin-salin na sa iba’t ibang YT channel ang video ni Katrina na kinanta rin ni Lea Salonga at ginamit na soundtrack sa animated movie.

Pawang mga musical expert mula sa US, Europe, Australia at iba pa ang nag-repost ng music video ng Pinay singer sa awitin nito.

Makikita sa reaksyon ng mga nakinig na hangang-hanga sila sa version ni Katrina.

“Beautifully rendered”, “insane”, “crazy”, “amazing”, “flawless”, “so much power”, “wide range of vocal technique” at kung ano-ano pang papuri ang sinabi ng mga ito sa performance ni Katrina.

May isang British na halos mabaliw sa paghanga nito sa ganda ng boses at ginamit na vocal style ni Katrina sa kanta.

Umaalis ito sa kanyang upuan at gumagapang sa tuwing babanat ng high note at style ang singer.

May isa rin na nagposte ng side-to-side singing nina Katrina at Christina. Lumalabas na mas mataas ang range ng boses ng Pinay singer kaysa sa American artist.

Mas mahaba rin ang sustainability nito sa ending ng kanta na umabot nang higit sa 12 seconds na birit nito.

Mas hinangaan ng isang American music school graduate si Katrina kaysa kay Christina at sinabing ang version nito ang kanyang paborito.

Well, wag nang pagtakhan kung makaabot ang cover na ito kay Christina dahil patuloy na humamig ng interes sa mga YouTuber ang kanyang cover nang nasabing awitin. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.