Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mas bagay na Doctor Foster: Sunshine banta kina Juday, Jodi sa Dos

0 84

Napadaan ang masasabing controversial actress ngayon na si Sunshine Dizon sa Instagram Live ng kanyang manager na si Perry Lansigan.

Pero, tawa lang ito nang tawa sa mga nangangamusta at nagtatanong kung totoo nga raw ba ang balita na lilipat na siya mula sa pagiging isang loyal Kapuso na ngayon ay Kapamilya na.

Wala pa man kumpirmasyon mula mismo kay Perry at kay Sunshine, pero marami na ang nagsasabi na kasama na nga si Sunshine sa naging storycon ng unang serye na pagbibidahan ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN.

Muling sinabi ni Perry sa mga nagtatanong na, “Basta malalaman niyo sa mga darating na panahon. Basta kung gusto ka nila, kung nasaan ka, suportahan ka nila. Gano’n lang naman.”

Natatawang sundot naman ni Sunshine, “Yeah, abang-abang na lang.”

Sabi rin niya, “And I will appreciate that. Kung nasaan man ako, suportahan niyo ako, maraming Salamat po.”

Sa isang banda, napag-usapan din ang original BBC series na “Doctor Foster” na mas kilala sa Korean adaptation nito na “The World of the Married.” At dahil nga nababalitang Kapamilya na si Sunshine, may mga nag-suggest na puwede niyang gawin ito.

Sey naman ni Sunshine, hindi pa raw niya ito napapanood at pinahanap na sa Netflix at papanoorin niya raw.

Sina Judy Ann Santos at Jodi Sta. Maria ang mga Kapamilya actress na lumalabas ang pangalan na pwedeng magbida, pero, ngayong balitang Kapamilya na nga si Sunshine, nakikita na agad na pwedeng siya ang gumanap sa role ni Doctor Foster or ni Dra. Jin sa South Korea.

At pwedeng-pwede nga.

Jason nagsisi sa suporta kay Digong

Humingi ng tawad si Jason Abalos kunsaan sa naging desisyon daw niya noong 2016.

Ni-retweet niya ang tweet ng GMA News na, sinabi raw ni Pangulong Duterte na gusto man daw niyang pumasok sa Spratly Islands sa West Philippine Sea ay ano naman daw ang makakamit nito.

Matatandaang isa sa mga ipinangako ni Pres. Duterte noong #Eleksiyon2016 ay magje-jetski siya doon upang maipakitang sakop ito ng Pilipinas.

Si Jason pala ay isa sa mga artistang bumoto kay Duterte noong election. At isa rin sa ngayon ay nag-open na nagsisisi sa naging desisyon niya.

Sabi ni Jason, “Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pagbabago.”

Binasa namin ang mga comments sa tweet niya thinking na marami ang posibleng mag-budol sa kanya o mang-bash dahil sa tweet niya. Pero halos karamihan ng tweet ay sumasang-ayon sa kanya.

May tweet din na sinasabihan ito na gawin naman ang part ngayong nagsisi sa naging desisyon niya. Sabi ng isang netizen kay Jason, “Well, sana tumulong ka to campaign for good governance kasi to be honest, it will take another lifetime to undo the impact of the policies this regime has made.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.