Una sa Balita

Mary Joy ura-uradang nagpasiklab sa DLSU

By
0 2,207

IPINARAMDAM agad ni De La Salle University team captain Mary Joy Baron ang kanyang tikas matapos bitbitin ang Lady Spikers sa unang panalo sa 80th UAAP women’s volleyball tournament elims.

Dumaan sa butas ng karayom ang Taft-based squad, nalagay sa delikadong sitwasyon pero iniligtas sila ni reigning Most Valuable Player Baron upang sikwatin ang mahirap na 25-20, 17-25, 25-22, 15-25, 15-8 alpas kontra University of Santo Tomas sa opening day noong Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Dahil sa ipinakitang kabayanihan, tinanghal si 22-year-old Baron na kauna-unahang UAAP Press Corps Player of the Week para sa Pebrero 3-4.

Abante Hiring – IT dep

Tumikada ang Concepcion, Tarlac native na si Baron ng 19 points mula sa 12 attacks, limang blocks at dalawang service aces sa panalo ng DLSU sa Golden Tigresses.

Inungusan ni Baron sa nasabing citation sina National University star Jaja Santiago, University of the Philippines netter Diana Carlos at Toni Rose Basas ng Far Eastern University.

May iniindang injury si starting opposite hitter Kianna Dy kaya naman halos doble ang kinayod ni Baron upang sabayan ang mga tigasin din na Tigresses. (Elech Dawa)