Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marvin napikon sa sampal ni Jolina

0 78

Maraming naichika na trivia si Jolina Magdangal tungkol sa 1999 romcom hit nila ni Marvin Agustin na “Hey Babe” sa online premiere ng digitally restored, remastered version nito sa pangunguna ng ABS-CBN Film Restoration.

Kahit maganda ang chemistry nila ni Marvin on-screen ay may sama sila ng loob sa isa’t isa habang ginagawa ang pelikula. ‘Yan nga ang sinabi ng aktres sa chikahan kasama ang co-star na si Nikki Valdez at si ABS-CBN Film Restoration Head Leo Katigbak sa KTX.PH pre-show.

“Sa buong shooting hindi kami okay masyado,” kwento ni Jolina.

May panahon daw na nahirapan silang kaeksena ang isa’t isa, lalo na noong napikon si Marvin sa aktres pagkatapos i-shoot ang tampuhan scene nila sa movie.

“’Yong sinampal ko siya dahil sa hula, mga ganon kasi noong time na ‘yon, ang sabi sakin ni Direk (Joyce Bernal), totohanin ko talaga. So noong binongga ko talaga, parang nagalit si Marvin dahil sobrang lakas yata ng sampal ko,” dagdag niya.

Pero kahit na may real-life alitan off-cam noon, hindi iyon mahahalata onscreen dahil undeniable ang kanilang pinagsamahan at professionalism sa trabaho.

“Kahit ano pa ang pinagdaraanan namin ni Marvin individually, as a love team, team kami. Bilang katrabaho, magaan ang loob namin isa’t isa.”

Ilan sa mga pelikulang nagawa nina Jolina at Marvin ay ang “Hey Babe!,” ”Labs Kita… Okey Ka Lang?” at “Gimik: The Reunion,” na kasalukuyang mapapanood sa Sagip Pelikula Festival ngayong Abril sa KTX.PH. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.