Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maru Rodriguez patok na celebrity hair and make- up artist

0 48

Isang magaling na hair and make-up artist ang aking nakausap na talaga naman kapuri- puri ang kanyang mga obra maestra at adbokasiya. Siya ay si Maru Rodriguez nagmula sa isang simpleng pamilya at bunso sa 11 magkakapatid . Lumaki sa Cavite at nangarap maging isang magaling na pintor, fashion designer at make-up artist.

”  Madalas kong nakikita sa mga tabloid at magazine    ang mga pangalan nina Fanny Serrano ,Ricky Reyes at James Cooper. Sila ang mga naging inspirasyon ko at hanggang sa dumating ang panahon na pinasok ko ang industriya ng hair and make up.”

Sa unang paglalahad ni Maru.

“Noong una bago pa lamang ako pumasok sa kolehiyo may gusto akong pag aralan pero iba ang aking kinuhang  kurso.

Dumating ang araw na pinasok ko ang pag memake- up sa Manila dala lamang ang aking talento sa pag-aayos , at walang formal na training. Sa lakas ng loob ay pinasok ko ang pag-aayos sa mga club sa Malate, Quezon City at China Town. Nagtiwala  sa aking kakayahan at doon ako nahasa, hanggang sa lumabas ang social media na nagtulak din sa akin upang mag-aral ng formal sa hair and make- up. Malaki ang naitulong ng Ricky Reyes Learning Institute kung saan mas natuto at nabuo ako bilang isang hair and make-up artist.”

“Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong tumulong sa akin kung saan ako ngayon , sa mga taong naniniwala sa aking kakayahan na “ ako ay para sa industriyang ito.“ 

“Para sa akin di ako titigil na matuto at gawin kung ano ang nasa aking imahinasyon. Gaya ng avant garde make up na napaka- challenging. Napasama din ako sa isang prestihiyosong competition at nakatrabaho ang ilang magagaling na photographer ng bansa at isang katuparan ang mailagay ang aking sining sa International magazine .

Marami na din ako nakatrabaho na mga artista at nakasama sa paggawa ng pelikula , music video at mga photoshoot. Minsan parang panaginip lang, dati pangarap lang ngayon ay isang reyalidad na. Nagkaroon din ng pagkakataon na mag-guest sa mga TV network upang ibahagi ang aking karanasan at ang aking talento. Nakapagtrabo rin ako bilang hair and make up artist sa mga programa sa GMA 7 at ABS CBN. “

Dahil pandemya at kabilang siya sa apektado pero kanya aniya itong nilabanan.

Para maalis ang stress at alalahanin ay naisipan niya gumawa ng isang proyekto na makakatulong sa mga kapwa nya hair and make-up artist.   Nagpa-nationwide contest siya ng COVID 19 make-up contest.  Bukod sa premyong cash prize ay sinamahan niya ito ng mga bagong make up kit na maari nilang magamit sa kanilang trabaho. 

Umabot sa 100 ang entry na sumali hanggang sa nasala ng 50 at ang pinakamagaling na 4 lamang ang nagwagi. Ang category ay iba’t- ibang interpretasyon na naglalarawan ng mukha ng pandemya na makikita sa kanilang mga make- up entry. Nag-submit sila ng picture at doon binase ang mga pinagpilian.

Kaya maituturing aniya niyang isang malaking biyaya na nalibang sila at  sandaling  nakalimot sa mga pangayayari sa kapaligiran sanhi ng sitwasyon. Higit sa lahat nakatulong  sa mga kapatid ko sa industriya.       

Isang katotohanan na  kapag marunong kang magbalik ng mga blessings sa mga nangangailangan  ay mas madami pa ang darating na biyaya, ani Maru.

Kaya naman dapat lang na ‘Pasikatin Natin’ siya at tularan ang katulad ni Maru.

Sa mga nagnanais makuha ang serbisyo ni Maru sa pagmemake-up ng inyong kasal at Iba pang event at maari ninyo siyang makontak sa kanyang social media account FB Maru Rodriguez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.