Una sa Balita

Martinez nasa Imus na

0 423

Nagtala si JAMES Martinez ng 58 na puntos sa AMA vs Topstar ZC Mindanao Aguilas sa PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO gym sa Quezon City.

Tumira siya ng 22-of-42 sa field kasama ang 10-of-26 sa three-point area sa loob ng 28 minuto para sa league record sa pinakamataas na puntos sa laro.

Nagmula ang kanyang galing nu’ng siya ay nasa San Beda University high school team pa at hawak siya ni coach Ato Badolato.

Doon pa lang nakitaan na siya ng potensiyal bilang isang mahusay na manlalaro na isang all-around player.

Pagkatapos nu’n ay hindi nag-atubili na kunin siya ng University of the East sa UAAP seniors na hawak dati ng isang PBA superstar na si Dindo Pumaren.

Alam naman natin na kapag mga Pumaren ang kumuha sa iyo, siguradong may potensiyal ka.

Mula nu’n, naglaro si Martinez sa PBA sa Coca-Cola Tigers at na-injured ng ACL.

Pagbalik niya, kami ang nagbigay ng pangalawang buhay niya sa basketball at du’n nagawa niya ang record sa scoring.

Ito ang nagbigay ng pinto para makalaro siya sa iba’t ibang liga sa abroad at sa MPBL at siympre ang makabalik sa PBA.

Ngayong darating na MPBL, makikita natin ulit ang husay ng 1-2 guard na si Martinez sa Imus Banderas.

Nawa’y mabigay niya ang lahat ng makakaya para makabalik na siya sa PBA.

Muli isang makatao, maka-Diyos at mapagmahal sa kapwa at mapagkakatiwalaan ng coach, mabuhay ka James!

***

Nagsimula na po ang UCSAA at nakatala ang AMA seniors basketball team ng unang panalo laban sa World Citi Colleges sa pangunguna nina Fran Assuncion, Luke Parcero, Alvin Fuentes at J.R. Raflores.

Hindi madali ang naging laban ng AMA Titans laban sa kanila, nandun din kasi ang determination ng mga WCC simula una hangang matapos pero kinapos lang sila. Pero iba ang bilis nila.

Magkakaron na ng AMA Cup Season 3 at lahat ng interesado ay puwede na pumunta sa AMA University para magparehistro.

Ito ay libre ang tournament fee.

Binabati ko po ang lahat ng players ko na graduate sa college volleyball sina Shiela Gamba, Nicole Quiros at Jude Tan at sa basketball na sina Paul Carpio, Ian Macaranas, Clark Quijano at Marc Pippin na pinakita nila na puwede talagang maging isang student-athlete na may kinabukasan.

Binabati ko rin ang bagong mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte. Sana ay patuloy maging maunlad ang Quezon City dahil alam namin na mahal mo ang lungsod.

Pagpatuloy mo ang sinimulan ng kanyang ama na si dating Speaker Sonny Belmonte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy