Una sa Balita

Martinez, iba pa dedeliber

0 378

HAWIIN ang daan sa dalawang nakataya na pinakaunang paglalabanang gintong medalya ang hangarin ng Philippine Skating Union (PSU) bago pa man opisyal na magbukas ang pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games sa Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sisimulan ng mga batang miyembro ng PSU ang kampanya ng delegasyon ng Pilipinas isang araw pa bago isagawa ang inaasahang makulay na pagbubukas ng ikaapat na pagkakataon ng pagho-host ng bansa sa kada dalawang taon na multi-sports na kompetisyon na gaganapin sa pinakahuling Sabado ng buwan ng Nobyembre 30.

Ito ay sa pagsasagawa sa pinakaunang dalawang qualifying event ng torneo at unang araw rin ng sports na Ice Skating sa Biyernes, Nobyembre 29, sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Isasagawa sa unang araw ng sports na Ice Skating ang event na figure skating sa ganap na alas-kuwatro nang hapon at ito ay matatapos sa ganap na alas-7:15 nang gabi kung saan magpapamalas ng kanilang husay sa Senior Ladies-Short Program bago sundan ng kompetisyon sa pagitan ng Senior Men-Short Program.

Inaasahan na sasabak sa Senior Men-Short Program ang 2017 SEA Games silver me­dalist na si Michael Martinez na pumangalawa kay Julian Yee ng Malaysia. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy