Una sa Balita

Martin pinabagsak si Alolod

0 228

LUSOT sa kanyang unang acid test si Ifugao boxing pride Carl Jammes Martin nang pabagsakin sa 7th round si Benezir Alolod Biyernes ng gabi sa Mandaluyong Elementary School Gym sa Mandaluyong City.

Ang 20-anyos na si Martin, nagpatulog sa huling pitong foreign opponents sa average na three rounds, ay kuntento at nakuha ang nais niyang makuha sa laban sa pagharap sa 28-anyos na si Alolod na former Philippine at regional title holder.

Angat na angat man ang skill nito sa laban, kinailangan pa din ni Martin ng ilang mga round bago tuluyang patulugin si Alolod na nagpakita din ng tibay sa pagsalo sa karamihan sa suntok ng Hingyon, Ifugao-native boxer.

“Yung mga pinaghirapan namin sa training like ‘yung sa stamina ko at lakas, nasubukan talaga kasi matibay yung kalaban,” ani Martin.

Unang bumagsak si Alolod sa fifth round nang patamaan ito ni Martin ng left hook sa katawan at kanan sa panga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy