Una sa Balita

Martin ginawang tagabuhat ng pagkain sa US

0 339

abante-anything-goes-jun-lalin

Kahapon naman, nakapag-live ako ng Anything Goes online show ko sa Facebook page ng Abante News Online.

Kinunan ko ng live ang before, during and after Two-gether Again US concert tour nina Pops Fernandez at Martin Nievera na ang kick-off ay ginanap sa The Palace Theater sa downtown Los Angeles, California.

Grabe! Ang aga pa lang ay napakarami ng nakapila sa labas ng The Palace Theater. Lahat ay excited na mapanood sina Pops at Martin.
Nang puntahan ko sa dressing room si Pops ay mine-make-up-an pa lang siya, kaya hindi ko na muna siya in-interview.

Si Martin naman, sa likod ng venue nakapuwesto kasama ang girlfriend na si Anj del Rosario at personal ma-nager na si Joy Alonzo.

In fairness, very warm ang pag-welcome ni Martin at natuwang naka-live ako sa Abante News Online.

‘Katuwa nga pala ang tour promoter na si Susan Lim dahil appreciated din niya ang support ng Abante sa kanilang US concert tour, huh!
Talagang ipinagmalaki niya sa mga tao roon na naka-live sila sa Abante News Online.

Ayon naman sa isa sa producers na si Tita Trini Fuliente, sold out ang tickets para sa kanilang show na ikinatuwa nina Pops at Martin.

‘Katuwa nga pala si Martin dahil nang dumating ang catering, pati siya ay tumulong sa pagbitbit ng mga pagkain dahil kailangan daw kumain ang kanyang banda bago magsimula ang kanilang show!

Bea, Richard lagare sa pelikula, teleserye

Kahapon ay ka-chat ko si Richard Gutierrez at tinanong kung kailan ang start nila ni Bea Alonzo sa dalawa nilang projects, ‘yung teleserye at ‘yung movie.

“Malapit na raw. Mauuna raw ng one week ‘yung shooting ng movie namin with Angelica (P­anganiban), then after a week, start naman kami ng taping ng teleserye.

“Palitan ‘yon. One week sa shoo-ting, one week sa taping.
“So, wala ka-ming tigil,” sabi ni Richard.

At least, magi-ging busy sila at siguro naman ay matatahimik si Bea sa mga issue sa kanila nina Gerald Anderson at Julia Barretto habang nagwo-work sila ni Richard.

Anyway, marami ang nagsasabing dapat na i-showing kaagad ang pelikula nina Richard, Bea at Angelica dahil excited na sila para roon!

Regine, Ogie araw-araw nagdi-date sa US

As you read this, nasa Philippines na from San Francisco, California ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid.

Nang maka-chat ko si Ogie, medyo inip na raw sila ni Regine, pero hanggang noong Saturday pa ang last event niya sa Bay Area.

“Pero, right after kong kumanta, deretso na kami sa airport,” sey ni Ogie na noong Saturday ay may Bantay Bata event pa for TFC (The Filipino Channel).

Kahit uwing-uwi na raw sila ni Regine, enjoy naman si Ogie dahil halos araw-araw silang nagdi-dinner date ng kanyang misis. Medyo relax rin daw sila sa Amerika.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy