Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Martin dudumugin ng mga Pinoy sa Disney Concert Hall

0 57

Alam mo, Dondon (my dear editor), bibilib ka talaga sa Concert King na si Martin Nievera.

Aba, for his 40th anniversary concert sa Amerika on August 28, sa The Music Center’s Disney Concert Hall sa downtown Los Angeles, California ang venue, huh!

Ang bongga nga, kaya sa post ni Martin, sinabi niyang, “It has been the greatest honor of my life to sing for you for the last 40 years! My happy place is the stage! Join me! Let’s make it another 40, are you in? As early as now let me thank @jtedibenito and my dear Rosie For making this.”

Nang maka-Viber chat ko nga kahapon si Martin, kinongratulate ko siya.

Sabi ko sa kanya, maraming mga kapwa niya celebrity, pati friends at ang mga fan niya, ang sobrang happy for him.

Sobrang thankful naman si Martin sa sinabi ko at idinagdag pa na, “I hope all systems are go.”

‘Yung mga kaibigan ko nga sa Amerika, pinaghahandaan na ang anniversary concert na ‘yon ni Martin.

At tiyak na matutuwa rin ang Concert King dahil may ilang mga sobrang fan niya sa ‘Pinas ang talagang pupunta pa sa LA para manood ng historic concert niyang ‘yon, huh!

Nakaka-proud talaga si Martin, ‘noh?!

So bongga!

Rufa Mae nangarag sa Tate, Pinas trip

‘Katuwa rin si Rufa Mae Quinto ngayong balik-Kapuso na siya.

Siyempre, pabalik-balik ang beauty niya ngayon ng ‘Pinas at San Francisco, California (kung saan sila based ng mister niyang si Trevor Magallanes at anak nilang si Athena) dahil nga sa kanyang ‘renewed’ career dito.

May new sitcom siya sa GMA-7 at naka-second taping day na sila, kaya naman happy si P-chi (paboritong tawag sa kanya) at go, go, go lang daw kahit nga ngaragan din ang magbiyahe pa-Amerika at pa-‘Pinas, huh!

Pero sabi nga niya, for the sake of her career and her family too, she’s doing her best daw at todo na talaga siya sa pagiging isang misis, nanay at aktres.

The last time na nagkatsikahan kami ni P-chi, ang sabi niya ay ipagpapaalam niya sa kanyang mister ang tungkol sa pagpirma niya sa Sparkle ng Kapuso Network, I’m sure, nag-agree at happy rin naman for her si Trevor.

Actually, may iba ring mga celebrity like P-chi na pabalik-balik ng ‘Pinas and abroad dahil sa career at family life.

‘Yun lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.