Una sa Balita

Martin bumigay, nasarapan sa laplapan kina Kiko, Akihiro

0 1,014

MAS malala ang mga eksena ni Martin del Rosario sa series ng “Born Beautiful” kumpara sa film version ng sequel ng “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros. ‘Yun nga lang, R-18 na ang ratings na binigay ng MTRCB eh with cuts pa ‘yon.

Aminado ang Kapuso actor na disappointed siya sa cuts na ginawa sa pelikula.

“Ang ganda-ganda kasi niya eh. Basta iba. Alam ko ipinaglaban na nila Direk (Jun Lana at Perci Intalan),” saad ni Martin sa pocket presscon niya.

Pagdating sa kissing scenes at love scenes kina Kiko Matos at Akihiro Blanco, “Mas wild ‘yung kay Kiko at ‘yung sa amin ni Akihiro, romantic at passionate. Pang-good boy at bad boy!

“Pinagsabay niya ang dalawa at siyempre as Barbs (character niya), sarap na sarap siya roon! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Martin.

Kabado siya nu’ng unang halik nila ni Kiko.

“‘Yung unang sunggab ba? Pero pinag-usapan namin ni Kiko na bigay na natin lahat. ‘Yung script sa unang kissing scene gustong-gusto ko talaga!

“So ako as an actor, ayoko ng matipid. Pinag-usapan muna namin ni Kiko. One take siya pero maraming shots! May dila! Ha! Ha! Ha! Pati rin kay Akihiro!

“Sa traysikel ‘yung love scene namin ni Kiko at sa taxi ‘yung amin ni Akihiro!” chika pa niya.

Para lumabas na babae ang dating niya, nag-training siya sa paglalakad na naka-heels.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy