Una sa Balita

Martin atras sa patalbugan kay Erik

By
0 3,468

Pinakabata man si Erik Santos kumpara kina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid na magkakasama sa Valentine concert na #PaMore, naniniwala si Songbird na meron siyang maibibigay sa ikagaganda ng pagsasama nila sa isang stage.

“Speechless ako na makakasama ko ang tatlong music icons sa isang stage. Sobra po,” pahayag ni Erik sa presscon ng concert sa Seda Vertis Hotel.

Gusto rin kasi ni Erik na tumagal pa sa music industry gaya nina Martin, Ogie at Regine. Sa ngayon ay 15 years na siya sa industriya.

“‘Yun ang ultimate dream ko especially nowadays given the platform sa industry natin, people come and go.

Ang daming nagsusulputan na bago dahil sa reality shows. So that’s my #pamore. To last in the business,” pahayag ni Erik.

Fantastic singer naman para kay Ogie si Erik.

“He always says he’s honored to be with us but I am really happy for him that he’s wor­king with us. With ho­nesty and fondness, he’s a great guy and he deserves it,” saad niya.

Nakasama na ni Reg si Erik sa Valentine concert na Royals.
“He’s such a good singer and I am really so happy he’s with us,” dagdag ni Songbird.

Ayon naman kay Martin, lahat silang apat­ ay balladeers.
“We are also incre­dible dancers! That’s what we have in common! Ha! Ha! Ha!

“Erik is a strong singer. He has a strong voice. We love to sing songs from the 80s. We are here to blend and not to outshine each other in this concert!” saad naman ni Martin.

Ipinagdasal naman ni Erik na mapasama sa concert kaya very grateful and thankful siya sa blessing na dumating sa kanya.

“It’s really a big, big blessing for me! Bata pa po ako, idol ko na sila,” sey pa ni Erik.
Reaksyon ni Regine, “Kung makabata ka naman! Ha! Ha! Ha!”

Mapapanood sa February 10 ang #PaMore sa SM Mall of Asia Arena mula sa Starmedia Entertainment ni Anna Puno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy