Una sa Balita

Marticio kampeon sa U14 Rapid Chess

0 207

NAGKAMPEON ang ba­tang si Jeremy Marticio sa katatapos na Fide-Rated 2nd Meralco Youth Rapid Chess tourney Linggo sa Multi-Purpose Hall ng Meralco compound sa Ortigas Avenue sa Pasig City.

Nakapagtala si 13-year-old Marticio ng 7.5 points mula seven wins at one draw para makopo ang Under 14 kiddies chess crown kasama ang pagsubi sa top purse P4,000 at trophy.

Nasilo naman ni Angele Tenshi Biete, inco­ming grade 8 pupil ng De La Salle Santiago Zobel School ang se­cond place matapos ilista ang 7.0 points at tangapin ang runner-up prize P3,000 at trophy habang si John Roccel Simon ang nag-okupa ng third place, nirehistro ang 6.5 pts. at inuwi nito ang P2,000 plus trophy sa one-day rapid event.

Kinalawit naman ni Tristan Frech Ibaoc ang Junior Under 20 division title sa pagtipon ng 6.5 points, nahamig niya ang first prize P5,000. 

Lumanding sa pa­ngalawang puwesto si Jerome Angelo Aragones na may anim na puntos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy