Una sa Balita

Martial Law tuloy sa ilang lugar sa Mindanao — AFP

0 430

BAGAMA’T gumaganda na umano ang sitwasyong pangseguri­dad sa Mindanao, dapat pa rin ipatupad ang Martial Law sa ibang lugar doon, ayon kay Armed Force­s of the Philippines (AFP) chief General Noel Clement.

Sa pagdinig ng Commission in Appointments National Defense Committee kahapon, tinanong ni Senadora Risa Hontiveros si Clement kung ano ang rekomendasyon ng AFP tungkol sa Martial Law sa Mindanao.

Sabi ni Clement, nasa proseso pa rin sila ng pag-assess sa sitwasyon ng seguridad sa Minda­nao subalit irerekomenda nilang panatilihin pa rin ang Martial Law sa ibang lugar sa katimugang Mindanao.

“The current security situation in Mindanao has improved a lot. If we will be asked, it might probably only in certain areas in Mindanao. As I said, a lot of a­reas have improved security situation,” sabi ni Clement.

Noong Lunes, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala siyang planong irekomenda na i-extend ang Martial Law sa Mindanao.

“We are waiting for the re­commendation of the Armed Forces at saka ‘yung PNP, depende sa kanilang recommendation but kung ako lang, I will not anymore recommend the extension. Matagal na masyado e,” ani Lorenzana.

Unang pinatupad ang Martial Law sa Mindanao matapos salakayin ng teroristang Maute Group ang Marawi City noong Mayo 2017. Simula noon, tatlong beses na itong pinalawig ng Kongreso. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy