Una sa Balita

Martial Law subject sa kolehiyo, aprub sa Palasyo

0 256

PABOR ang Malacañang sa plano na isama sa asignatura sa kolehiyo ang isyu sa Martial Law.

Kasunod ito ng hakbang ng University of the Philippines (UP) na isama ang Martial Law subject sa susunod na semestre sa mga estudyante sa kolehiyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo­ na mainam na ituro ang Martial Law sa mga estudyante para malaman nila kung paano ang pangangasiwa sa gobyerno.

“That’s good if it’s a subject matter; every student should know and learn any subject that concerns governance”, ani Panelo.

Ipinasa ng UP Diliman University Student Council ang isang resolusyon para idagdag sa kanilang general education subject ang Martial Law education na sisimulan sa susunod na semestre.

Matatandaang naging kontrobersyal ang Martial Law na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972 dahil inabuso ito.

Nagpatupad din ng Martial Law si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Mindanao dahil sa mga naganap na kaguluhan habang sa ilalim ng Duterte administration ay patuloy na umiiral ang batas militar sa Mindanao. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy