Una sa Balita

Martial Law sa Mindanao panakot lang — Ping

0 251

NILOLOKO lang umano ng mga awtoridad ang mga terorista sa patuloy na pagpapairal ng diumano’y ‘toothless’ o walang ngipin na martial law sa Minda­nao.

Inihayag ito ni Senador Panfilo Lacson, sa pagdinig ng Senate­ defense committee, kung saan pinaalalahan nito ang mga opis­yal ng Armed Forces of the Phili­ppines (AFP) sa kanilang naunang pangakong aalisin na ang Batas Militar sa Mindanao.

“Di ba you made that commitment last year and this is much, much, much, much stronger than the martial law that you’re using now, which of course, we all know is a toothless martial law,” sabi ni Lacson.

Matatandaan na isinailalim­ sa martial law ang buong Mindanao­ noong 2017 matapos kubkubin ng mga terorista ang Marawi City.

“Panakot lang naman kayo dun sa Mindanao. Psywar lang. Wala naman din naman kayong magawa…,” pagbibirong paha­yag nito sa mga opisyal ng AFP.

“Panakot lang ang ginagawa n’yo dun. Niloloko n’yo lang yung mga terrorist dun,” sambit pa nito.

Paliwanag pa ni Lacson na iba ang pinaiiral ng martial law sa Mindanao kumpara sa martial noong panahon ni dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos kung saan suspendido noon ang Kons­titusyon.

“Alam naman nating toothless ang martial law because the Constitutional rights are still guaranteed. Hindi ito martial law noong panahon ni ex-President Marcos na wala talagang rights na pwedeng ma-exercise kasi una, suspended ang Constitution,” paliwanag ni Lacson.

“But this martial law we are having now in Mindanao is actually a toothless martial law. inamin naman nila pang-psywar lang kung tutuusin.

Kaya nagtataka kami why there’s so much fuss about arguing against the declaration of martial law. After all, martial law now under the 1987 Constitution is the same as no martial law,” saad pa nito. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy