Una sa Balita

Martial Law sa Mindanao aalisin na

0 389

TIWALA si Senador Panfilo Lacson na hindi na palalawigin ang Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ito ni Lacson dahil wala pang inihahaing panukalang batas para sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

Hindi rin aniya nagpasabi ang Malacañang na kailangan itong palawigin.

“Sa ngayon wala kaming narinig na request from Malacañang to further extend. Mag-December na rin, ma-lift na martial law sa Min­danao.” saad ni Lacson.

Pinatupad ang martial law sa Mindanao matapos ang ginawang pag-atake ng teroristang Maute Group sa Marawi City noong Mayo 2017.

Simula noon, tatlong beses nang na-extend ito at nakatakdang matapos ngayong katapusan ng Disyembre.

Noong Oktubre, hiniling ni Davao City ­Mayor Sara Duterte-Carpio na i-exempt ang Davao City sa coverage ng martial law.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy