Una sa Balita

Martial Law extension wala sa radar ng Palasyo

By ,
1 67

HINDI pa napag-uusapan sa Malacañang ang posibilidad na humirit ng panibagong extension sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang umani ng reaksiyon sa mga mambabatas at maging kay Vice President Leni Robredo ang posibilidad na humingi ng Martial Law extension.

Ayon kay Roque, matagal pa ang Dis­yembre na pagtatapos ng Martial Law extension kaya hintayin na lamang kung irerekomenda ng mga security adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Abante Hiring – IT dep

Sa ngayon ayon kay Roque ay walang nababanggit ang Pangulo kaya walang isyu para sa posibleng extension ng Martial Law.

“Matagal pa po ang Disyembre. Matagal pa po ang panahon kung kailan dapat humingi ng extension sa Kongreso ang ating Presidente for an extension of Martial Law kung mayroon man. At ang rekomendasyon ng mga kasundaluhan ang pakikinggan ng ating Presidente,” ani Roque.

Ayon naman kay Surigao de Sur Rep. Johnny Pimentel, may mga lugar sa Mindanao na konsumisyon ang lagay ng peace and order.

“Ako’y sang-ayon naman ako du’n kung kailangang i-extend ang Martial Law I will support that move.”

Ipinaliwanag ng kongresista na bentahe ang implementasyon ng Batas Militar sa Mindanao para masugpo ang mga krimen.