Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marshal isasabak sa mga kontra-protocol

0 189

Iminungkahi ng isang kongresista sa Department of Transportation (DOTr) na magpakalat ng mga marshal sa mga pampublikong transportasyon upang masigurong masusunod ang health protocols.

Dulot na rin ito ng nakikitang pagbabalewala na marami sa mga itinakdang protocols ng IATF tulad ng social distancing partikular sa mga bus and jeepney at maging ang pagsasagawa ng temperature checks bago sumakay sa PUVs ay hindi na rin naipatutupad.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, kailangang mabigyan ito ng aksyon ng DOTr dahil magiging paulit-ulit na lamang ang sitwasyon at walang patutunguhan ang hinahangad na pagbabalik sa normal ng takbo ng buhay.

“By not complying with our health and safety protocols, we will only keep running in circles. We need consistency as we open our economy once again,” ayon kay Sarmiento, chair ng House Transportation Committee. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.