Una sa Balita

Maroon 5 nilait sa Super Bowl performance

By
0 781

Mas pinagpiyestahan ng mga netizen ang nipple ng Maroon 5 frontman na si Adam Levine kesa sa kanyang performance sa 2019 Super Bowl halftime show.

Sumampa ng halftime stage si Adam na naka-jacket pero unti-unti niyang tinanggal ang mga suot niya, kasama na ang tank top na inokray ng netizens.

Ang naturang tank top na may geometric print ay nagpaalala sa mga netizen ng tela na makikita sa mga throw pillow at kitchen towel sa Target.

Mabilis na nakagawa ng meme ang mga ­netizen at pinagtabi nila ang tank top ni Levine sa mga kitchen and home items ng Target!

Noong maghubad si Levine para ipakita ang kanyang mga tattoo at ang chiseled abs niya, ang nipples naman niya ang naging topic sa social ­media.

Nag-throwback ang ilan sa accidental nipslip ni Janet Jackson noong mag-perform ito sa 2004 Super Bowl halftime show with Justin Timberlake.

“Why can Adam show his nips but Janet cant,” tweet ng former Bachelorette Kaitlyn Bristowe.

Pagkatapos ng lahat ng bashing sa performance ng Maroon 5, sa Instagram na naglabas ng kanyang matagal nang gustong sabihin ever since tinanggap nila ang mag-perform sa Super Bowl.

Na-bash sa social media ang Maroon 5 sa pagtanggap nila sa Super Bowl halftime show. Ilang artists kasi ang tumanggi, kabilang na si Rihanna, dahil sa kanilang pag-protest sa NFL over its treatment of Colin Kaepernick.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy