Una sa Balita

Marlon ‘Marvelous’ Manalo Idol ko si kap!

0 630

KAMPEON bilang atleta si cue artist Marlon “The Marvelous” Manalo. Pinasok ang politika, tumakbong barangay chairman sa Malamig, Mandalu­yong City at ngayon ay dalawang termino nang naglilingkod sa bayan.

Taong 2009, nahinto sa pagsali sa mga billiard tournament si Manalo dahil may plano na siyang tumakbo bilang punong barangay. 2010 ay nahalal na siyang chairman sa Brgy. Malamig.

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa puwesto pa rin si Manalo at masasabing tagumpay ang kanyang ­pamumuno.

“Disiplina at tiyaga ang naging susi ko sa tagumpay bilang atleta at dinala ko ito sa barangay namin kaya taas-noo kong sasabihin na maayos at maginhawa ang aking nasasakupan,” pag-amin ni Manalo.

Hindi makakailang magaling na lider si Manalo dahil ­nahirang siyang Press Relations Officer ng League of ­Barangays sa buong Pilipinas.

Ipinagmamalaki rin ni Manalo ang kanyang barangay dahil sa mga nakukuhang mga parangal.

“Nag-focus po ako sa nutrition, kalinisan at peace and order kasa dati wala itong mga ito,” hayag ni Manalo. “Kami po for four consecutive years, naging Best Nutrition Barangay, isa kami sa ipinanlaban ng Mandaluyong.”

Tinaguriang Marvelous sa paglalaro ng bilyar at Marvelous Kap naman sa politika, pinagsasabay ni Manalo ang paglilingkod at pagiging atleta kaya dalawa ang kanyang laban na sinusuong.

“First love ko ang paglalaro ng bilyar pero mahal ko na rin ang politics. Masaya akong naglilingkod kaya gagawin ko ang lahat para magampanan ko nang maganda ang tungkulin ko sa dalawa,” patuloy nito.

Tuloy ang paghawak ng tako ni Manalo dahil may misyon pa siya – ang maging world champion tulad ng kanyang idolo na si legend Efren “Bata” Reyes.

Nahasa sa pustahan, nanginig kay Bata

agbunga ng matamis ang pagtitiyaga ni Marlon Manalo sa larangan ng bilyar.

Kilala rin bilang “Marvelous,” ibinabangga si Marlon ng kanyang ama sa mga tigasing bilyarista sa Pilipinas sa mga pustahan.

Kuwento ni 43-year-old Manalo, halos lahat ng kanyang laro ay puro talo kaya naman nawawalan na siya ng kompiyansa sa sarili, hanggang sa maisipan na niyang tumigil sa paglalaro.

“Ang father ko po ay takbuhan ng mga professional player, ang uso kasi noon eh mga pustahan, hindi gaanong may tournaments. Kadalasan laging talo, kaya sabi ng tatay ko na mag-try ako magbilyar, at least matalo man eh sarili mong kamay,” kuwento ni Marlon.

“Kaya lang mas marami akong talo kasi inilalaban ako ng tatay ko sa mas magaling sa akin, naaawa na nga ako sa tatay ko noon.”

Dumating ang araw na nagpapanalo na si Marlon hanggang sa nakakalaban na niya ang kanyang idolo na si world champion Efren “Bata” Reyes sa pustahan.

“Unang laban namin ni Efren, (Reyes) nanginginig talaga ako eh, Efren na ‘yan sobrang idol ko ‘yan eh kaya talo, pero sumunod na laban namin natalo ko na siya,” masayang sabi ni Manalo.

Naging national player si Manalo sa edad na 15-anyos, naglaro sa Southeast Asian Games noong 1991. Humablot siya ng dalawang gold medal at isang silver.

Dating snooker player at naging Asian champion si Manalo bago sumabak sa World 8-Ball, World 9-Ball at World 10-Ball.

“Nag-concentrate kasi ako sa snooker, then may time na naghahanap na ng mga susunod na pool player kasi hindi mo pa naman puwede palitan sina Efren (Reyes) at Django (Bustamante) dahil nasa prime pa sila, kaya sumali na rin po ako,” kuwento nito.

Ibinunyag din ni Manalo kung paano siya binansagang “Marvelous”. “Noong una wala po akong ­moniker, sa London po ako binansagan ng Marvelous.”

Q&A

Abante: Bukod sa pustahan, nakalaban mo na ba ang idol mong si Efren Reyes sa malaking tournament?

Manalo: Oo, noong 2004, nakalaban ko sa finals ng WPA World 8-Ball championship si Efren. Natalo ako, sayang. Muntik na akong maging world champion.

Abante: Ano po ang pinakamataas na ranking ang naabot ninyo sa ­bilyar?

Manalo: Noong 2009 ang rank ko noon ay seven sa world, pero nawala ako sa rankings dahil mula 2009 hanggang 2014 ay hindi na ako nakalaro ng tournaments.

Abante: Sobrang busy na po kayo, gusto niyo pa rin bang maging world champion?

Manalo: Oo gusto ko pa rin kasi noong naglaro ako last December sa World 8-Ball nalaman ko na puwede pa pala kasi kahit paano marami akong tinalo na magaga­ling at ako ang champion sa grupo namin, 32 kami, kaya lang sa knockout stage hindi na tayo pinalad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy