Una sa Balita

Marlo Mortel ‘di tanggap ang pagkatalo sa ‘TNT’

0 643

Buong puso ang inalay sa performance, pero sawi pa ring makamit ang inaasam na titulo bilang kampeon sa “Tawag ng Tanghalan”. Aminado sa pagiging dismayado ang singer-actor na si Marlo Mortel nang ma-eliminate agad sa unang araw pa lang ng resbakan.

“Not gonna lie, my heart breaks,” bungad ni Marlo sa kanyang Instagram post.

“I’ve always asked myself, ‘What’s wrong with me?’ for I can’t even bag a small win after a decent performance,” sey pa ng singer.

Hindi itinanggi ni Marlo na labis siyang nasaktan na hindi niya na-achieve ang kanyang goal. Kuwento pa niya, ilang beses siyang nasawi sa pagsali sa iba’t ibang contest pero patuloy siyang lumalaban.

Kaya nang sumali siya sa TNT, pakiramdam niya, handang-handa na siya sa laban na iyon sa kabila ng dami ng rejections na kanyang hinarap noon.

“Recently, I was invited to join the TNT Celebrity Edition. I felt I was ready, even though I was sick, I got great feedback for my performance of ‘Invisible’ but got beaten by Ethel Booba’s rendition of ‘Help’. Just my luck I guess? I finally gave a good one but got lined up with a Singing Champion.”

Ayon sa aktor, medyo nalito lang siya kung ano talaga ang mararamdaman at paniniwalaan niya.

“Thankful though! Yesterday, I was given the chance to Resbak where I felt like I finally gave strong performances but I got the lowest combined scores. I thought I was numb ‘cause I’m used to losing. But why are people, contestants, celebrities, staff, etc. continuously coming up to me telling me that I deserved to win? I was also trending for people are protesting about this loss. I’m confused, so am I really worth a win?” sey ni Marlo.

Gayunpaman, kahit gaano kasakit ang kanyang sinapit, tanggap niya na ganoon talaga ang buhay. Labis pa rin niyang pinasasalamatan ang lahat ng nag-abot ng suporta at pagmamahal sa kanya.

“I know it’s not about winning, but sometimes a loser just needs a small deserved win to get up & keep going. I guess the big WIN is there are more people who believes in us everytime we don’t anymore. Kaya salamat sa mga taong naniniwala at nagmamahal. There’s always a reason to move forward (heart emoticon),” sabi pa ng aktor. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy