Una sa Balita

Mark todo iwas sa mga reporter

By
0 5,386

Isa si Mark Bautista sa mga special guest sa Love Wins, ang Valentine concert ni Joanna Ampil sa BGC Arts Center, Taguig City. Ang Love Wins ang first public appearance ni Mark, limang araw matapos i-release sa mga bookstore ang kanyang controversial tell-all memoir, ang Beyond The Mark kaya interesado ang marami na makita ang magiging pagtanggap sa kanya ng mga nanood ng concert ni Joanna.

Ang Corner of the Sky mula sa musical na Pippin ang unang kinanta ni Mark.

Hindi kami nagtaka na pinili ni Mark ang Corner of the Sky dahil ito ang ibinigay niya na sagot nang tanungin namin siya tungkol sa kanta na maglalarawan sa kanyang buhay sa kasalukuyan.

“Alam mo, kakarinig ko lang ngayon, may nagparinig sa akin, kantahin ko raw. Tapos nu’ng malaman ko ‘yung lyrics ng Corner of the Sky, parang sakto. Kapag kinanta ko, may meaning na,” ang sabi ni Mark nang makausap namin siya noong December 7, 2017 sa opening ng Trinoma branch ng Pepi Cubano.

Pagkatapos awitin ang Corner of the Sky, nagkaroon ng duet sina Mark at Joanna. Inawit ng da­lawa ang mga hit song ni Barry Manilow, ang Even Now at Someone Where Down the Road.

Bago sila kumanta, nabigyan ng pagkakataon si Mark na magsalita. Aniya, “I am so happy to be here. Thank you so much for the love and for the respect… and for the support.”

Tulad ng Corner of the Sky, makahulugan ang lyrics ng Even Now na isa sa mga personal favorite song ni Manilow na umamin na gay noong April 2017.

Natagalan ang pag-amin ni Manilow dahil natakot siya sa magi­ging reaksyon ng mga tagahanga niya at ito ang pagkakaiba nila ni Mark na inilantad sa publiko ang katotohanan sa edad na 34.

Mas bata si Mark kung ikukumpara kay Ricky Martin na 39 years old na nang aminin ang tunay na sexual orientation noong March 2010.

Kung may common denominator sina Manilow, Martin at Mark, ito ay ang hindi pagkasorpresa ng marami sa kanilang mga rebelasyon na matagal nang pinaghihinalaan pero naghintay lamang ng kumpirmasyon.

Malungkot na kanta ang Even Now dahil tungkol ito sa isang tao na nangungulila sa dating karelasyon, kahit may iba nang nagmamahal sa kanya at halos ganito rin ang mensahe ng Somewhere Down the Road.

Nang makipaghiwalay noon si Sharon Cuneta kay Richard Gomez dahil hindi boto sa aktor ang pamilya niya, ang Even Now ang malungkot na malungkot na kinanta niya sa isang episode ng kanyang dating programa sa ABS-CBN, ang The Sharon Cuneta Show.

Punumpuno ng damdamin at mula sa puso ang pag-awit ni Mark sa Manilow Hits pero ta­nging siya lamang ang nakakaalam kung kanino patungkol ang mga nabanggit na kanta.

Nabigo ang mga reporter na nag-abang kay Mark sa lobby ng BGC Arts Center dahil tumanggi ito na magpainterbyu at sinabi lang niya na masaya siya.

Pinagkukuwentuhan ng mga reporter na may guesting umano si Mark sa Tonight with Boy Abunda, ang talk show ni Boy Abunda sa ABS CBN at kapag natuloy ito, nangangahulugan lamang na walang katotohanan ang mga balita na may news blackout ang Kapamilya Network management sa singer-actor at sa libro nito.

Mga fan nabitin sa husay ni Joanna Ampil

Pinatunayan ni Joanna Ampil ang kanyang world class talent sa Love Wins dahil sa effortless performance niya. In fact, natawa kami sa sinabi ni Joanna bago nito kinanta ang medley ng Diva songs na mga killer song para sa kanya dahil mahirap awitin tulad ng As If We Never Said Goodbye mula sa musical na Sunset Boulevard.

Kung killer song para kay Joanna ang nabanggit na kanta, ano kaya ito para kay Gretchen Barretto na buong tapang na inawit ang As If We Never Said Goodbye sa isang awards night?

Dahil sa sobrang husay ni Joanna, bitin ang pakiramdam ng mga nanood ng Love Wins dahil naigsian sila sa concert na dapat magkaroon ng repeat para malaman at masaksihan ng mga kababayan natin ang mga dahilan kaya in demand sa ibang mga bansa ang talented Filipina singer-actress.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy