Una sa Balita

Mark, Rayver, Gerald ‘di itinadhana kay Sarah; Andi, Maja minsang minahal ni Matteo

0 1,489

Ni: Ruel Mendoza

Walang duda na ang tatanghaling “wedding of the year” ang magiging kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Marami kasing naghihintay sa araw na ito na ang Pop Princess ay mag-exchange “I dos” sa Fil-Italian hunk.

Noong i-post ang confirmation ng kanilang engagement, nakakuha ng higit na 760,000 likes at 55,000 comments ang photo nila sa Instagram account ni Matteo.

Pero marami ang gustong malaman kung paano nga ba nagsimula ang love story nina Sarah at Matteo.

Heto ang relationship timeline nilang dalawa:

Taong 2002 noong pasukin ni Sarah Geronimo ang showbiz sa pamamagitan ng reality competition show na “Star For A Night”. Siya ang tinanghal na grand champion at doon na nagsimula ang kanyang mabilis na pagsikat bilang singer at aktres sa TV at pelikula.

Nabalitang nililigawan si Sarah ng naging first runner-up sa “Star For A Night” na si Mark Bautista. Pinagsama sila sa maraming shows at naging love team pa sila sa pelikulang “Lastikman: Unang Banat”. Pero walang relasyon na nabuo sa kanilang dalawa.

Taong 2006 nang pasukin naman ng Fil-Italian na si Gianmatteo Vittorio Fernan Guidicelli or Matteo Guidicelli ang showbiz. Nagsimula siya bilang isang award-winning kart racer hanggang sa kunin na siya ng Star Magic para lumabas sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN 2.

Noon pa man ay nali-link na sa iba’t ibang girls si Matteo. Una siyang na-link kay Andi Eigenmann nang gawin nila ang teleserye na “Agua Bendita” noong 2010. Naging girlfriend naman niya si Maja Salvador nang gawin nila ang pelikulang “My Cactus Heart” in 2012.

Taong 2012 nang unang nagsama sa pelikula sina Sarah at Matteo. Ito ay ang “Catch Me… I’m In Love” kunsaan katambal ni Sarah si Gerald Anderson. Role ni Matteo ay kapitbahay ni Sarah na torpeng nanliligaw sa kanya.

Pero mukhang wala pang spark sa dalawa dahil katatapos lang na mag-break nina Sarah at Rayver Cruz na nakasama niya sa pelikulang “You Changed My Life” noong 2009. Natsismis din si Sarah kay Gerald, pero hindi umabot sa relasyon, dahil parang nabuking agad ng dalaga na may iba ang binata.

(Itutuloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More