Una sa Balita

Mark Of Excellence kikilatisin

0 262

PITONG karera ang inihain ngayong araw ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Isa sa mga aabangan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa race 7.

Inaasahang malaking suporta ang makukuha ni Mark Of Excellence sa mga karerista dahil siya ang napipisil na pang-primera ng karera tipsters sa programa.

“Pusoy sa tip eh, pero magagaling ang mga kasali, para sa akin isasama ko sa gagawin kong winner take all si Crowned Prince, star jockey pa ang rerenda,” saad ni Joselito Valencia na karerista sa Sta. Cruz, Manila.

Gagabay kay Mark Of Excellence si class B rider Esmael Nahilat habang sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Dilema si Crowned Prince.

Ang ibang kalahok ay sina Mellifluous, Safety Corredor, Condessa, Spy Glass, Fruity Pebbles, Rhea’s Choice at Coastal Road.

Makakatanggap ng P10,000 ang owner ng mananalong kabayo mula sa Philracom. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy