Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mark nagbanta sa mga basher ng dyowang buntis

0 284

Kinuwestiyon o baka mas tamang salita, pinaalalahanan ng netizens ang Kapuso actor na si Mark Herras.

Masaya si Mark ngayon dahil malapit na itong maging ama sa girlfriend na Kapuso star rin na si Nicole Donesa. Pero may mga nakaalala na hindi naman daw first time father si Mark. May nauna na itong anak na babae sa dati niyang handler sa GMAAC.

Kaya comment ng netizen, “Hindi ka naman first time Dad. Kumilos ng tama.”

Sa isang banda, wala naman kaming nakikitang masama o hindi maganda sa ginagawa o pino-post ni Mark. In fact, umiral nga agad ang protective instinct niya bilang isang ama at partner ni Nicole. Sa mga hindi nakakaalam, si Mark ang isa rin sa mga Kapuso star na bugbog sa mga pamba-bash, kahit yata noong hindi pa talamak ang social media.

Kaya nag-warning na ito agad sa mangangahas mam-bash sa kanyang mag-ina.

At oo nga’t may anak na si Mark na wala na rin kaming balita kung maayos ba ang communication niya rito, so sana, yun lang, sana kung hindi, sana bago lumabas ang new baby niya, sana nga ay okay si Mark at ang kanyang anak na babae.

Agree rin kami sa manager niya na si Nay Lolit Solis na sana nga mas magkaroon na ng focus at drive si Mark sa trabaho niya, lalo na at ang showbiz naman talaga ang kanyang bread and butter.

At dahil iba na nga naman ang status niya, pwedeng-pwede naman talaga na mature roles na ang ginagawa niya at sana makita ni Mark on how to reinvent himself too.

Isa si Mark sa may malaking fan based noon bilang original winner ng StarStruck. Hindi pa huli ang lahat at kahit nga sinasabing mas naungusan na siya ng mga Kapuso actor na sumunod lang sa kanya tulad nina Alden Richards, Rocco Nacino, Paulo Avelino, at iba pa, sana ay matutuhan ni Mark na gumawa ng mga bagay na mas magmamarka rin siya.

Sa mga hindi nakakaalam, kung sa iba lang siguro, isa si Mark sa mga Kapusong napakahusay makisama at totoong mabait.

Tom bawal sa halikan

Parehong naninibago ngayon sa pagbabalik taping sina Tom Rodriguez at Lovi Poe. Silang dalawa ang mga bibida sa bagong serye ng GMA Network na “I Can See You: High Rise Lovers.”

Si Lovi ay na-stuck talaga sa bahay niya ng anim na buwan. Same goes with Tom na nanibago na this time, a new normal taping na hindi naman daw sa zoom.

Sabi nga ni Tom, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng I Can See You: High Rise Lovers. Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko yung cast at crew. Iba pa rin talaga yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom yung trabaho.”

Sinabi naman ni Tom na talagang pina-practice raw nila ang social distancing. At limitado na rin ang mga eksena na may physical touching. Kaya hindi na magugulat kung walang kissing scene sa bagong serye na ito ng Kapuso network.

Nag-aadjust pa nga raw siya sa muling pag-arte pagkatapos nga naman niyang mapahinga ng ilang buwan.

“Medyo kanina naninibago lang. Parang bagong pasok ulit sa eskwelahan, may kaba. But, I’m happy to be back.”

Ang I Can See You ay magsisimula ng mapanood sa September 28 sa GMA Telebabad block.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.