Una sa Balita

Mark Michael tinanghal na TNT Grand Resbak champion

0 472

Matapos ang mahigit isang buwan na labanan, nanaig sa palakasan ng kantahan at itinanghal na grand resbak champion ang R&B charmer na si Mark Michael Garcia sa huling tapatan ng “Tawag ng Tanghalan” All-Star Grand ­Resbak sa “It’s Showtime” noong Sabado (Disyembre 21).

Nakakuha si Mark Michael ng total ­combined average score na 54.24% mula sa pinagsamang public votes at hurado scores at tinalo si Jex de Castro na nakakuha ng 45.76%.

Bilang grand champion, panalo si Mark Michael ng P300,000 (tax free), business franchise mula sa Potato Giant, recording contract mula sa TNT Records, management contract mula sa ABS-CBN, at isang tropeo na nilikha ng renowned Filipino visual artist na si Toym Imao.

Sa huling tapatan, nakakuha ng standing ovation si Mark Michael mula sa mga hurado at madlang people matapos niyang mag-perform ng ­medley ng Chicago hits na “You’re the ­Inspiration,” “Hard to Say I’m ­Sorry,” at “Glory of Love.”

Isang Year 3 grand ­finalist at Year 2 semifinalist, nanaig si Mark Michael sa Grand ­Resbak edition, kung saan muling nagsalpukan ang iba’t ibang ­contenders mula sa tatlong taon ng kumpetisyon.

Samantala, malaking ­pasabog din ang hatid ng “Tawag ng ­Tanghalan” sa bagong taon dahil sisimulan na nito ang ikaapat nitong taon sa “It’s Showtime” ngayong Enero. (Dondon ­Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More