Una sa Balita

Mark handang mag-asawa ng lalake

By
0 2,786

Nag-focus ang karamihan sa kuwento ni Mark Bautista tungkol sa intimate relationship nila ng kanyang male friend kaya nabalewala ang mga realization niya tungkol sa nangyari.

Karugtong ng rebelasyon ni Mark ang aral na kanyang natutunan na mababasa sa Friendshift chapter at page 102 ng Beyond­ The Mark.

“Here’s what I learned: Years of friendship can be ruined in a snap by a single thoughtless act. Giving in to the flesh is easy and will give you a temporary satisfaction but a relationship worth keeping is hard to find. Treasure friendship or respect any kind of relationship more than anything else.”

Ipinagtapat ni Mark na kahit natagalan, nagpapasalamat siya dahil nakahingi siya ng tawad sa tao na kanyang nasaktan.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto ni Mark na magkaroon ng sariling pamilya at mga anak pero kung dadalhin siya ng kanyang puso sa isang lalake na makakarelasyon, tatanggapin niya.

“I always believe that for as long as a you receive and give genuine love to one particular person, you don’t need to worry about labeling it,” ang pahayag ni Mark.

***

Lovi sumabog ang puso

Ngayon ang 29th birthday ni Lovi Poe pero maaga niya na ipinagdiwang ang kaarawan noong Miyerkoles, February 7, sa piling ng mga street children na tinutulungan ng Child Hope Asia Philippines.

Naging tradisyon ni Lovi na pasayahin at ibahagi sa Child Hope Asia Philippines ang blessings na natatanggap sa tuwing birthday niya.

Hindi kompleto ang kaarawan ni Lovi kapag hindi nito nakakasama ang mga bata ng Child Hope Asia Philippines na mahigit limang taon nang tumatanggap ng tulong mula sa kanya.

Nang magplano si Lovi ng birthday celebration sa Child Hope Asia Philippines office sa Paco Manila, inayos niya nang mabuti ang schedule para hindi ito magkaroon ng conflict sa taping ng The One That Got Away at sa promo ng kanyang upcoming movie, ang The Significant Other.

“My heart is bursting with happiness that I got to spend this day with the kids of Child Hope Asia Philippines. You are my inspiration and I really look forward to spend time with you every year.

“Thank you for making my birthday extra special and memorable,” ang pasasalamat ni Lovi sa Child Hope Asia Philippines at sa mga street children na tuwang-tuwa dahil sa importansya na ibinigay sa kanila ng aktres.