Una sa Balita

Mark B. ayaw patulan ng ABS-CBN

By
0 4,407

No, it’s not true ang sagot ni ABS-CBN exe­cutive Cory Vidanes sa text message sa kanya ni Philippine Star entertainment editor Ricky Lo nang itanong nito kung totoo na banned si Mark Bautista sa mga programa ng ABS-CBN dahil sa controversial autobiography book ng singer-actor, ang Beyond The Mark.

Sa very brief interview kay Mark ng entertainment press na naghintay sa kanya sa Love Wins concert ni Joanna Ampil sa BGC Arts Center noong February 14, napag-usapan ang nakatakda na guesting niya sa Tonight with Boy Abunda, ang talk show ni Boy Abunda sa ABS-CBN. Pumayag umano si Mark na magpainterbyu kay Boy dahil isa ito sa kanyang mga pinagkakatiwalaan sa entertainment industry.

Noong Lunes, tinanong namin si Boy kung matutuloy ang guesting ni Mark sa programa niya at ‘Hindi siguro,’ ang sagot niya. Nag-usap kami ni Boy sa pamamagitan ng palitan ng mga text message dahil nasa Singapore siya.

Isang ABS-CBN insider (not Boy Abunda) ang nakausap namin noong February 8 at siya ang nagsabi na hindi papatulan ng Kapamilya Network ang mga isyu tungkol sa controversial book ni Mark.

At the time, mainit na mainit na pinag-uusapan ang Friendshift chapter ng Beyond The Mark na tungkol sa male friend ng singer-actor.

Karapatan ng network management na protektahan ang kanilang mga talent na nasasangkot sa mga eskandalo. Kapani-paniwala na walang katotohanan ang balita na banned si Mark sa ABS-CBN. Posibleng iniiwasan lang ng network na pag-usapan ang isyu para hindi na ito lumaki dahil ang reputasyon ng kanilang mga talent ang higit at karapat-dapat na pangalagaan nila.

Nagbago na ang ihip ng hangin dahil napalitan na ng paghanga ang mga panglalait kay Mark Bautista dahil nabasa na ng mga kritiko ang kabuuan ng autobiography book niya.

Malaking bagay ang interbyu ni Jessica Soho kay Mark sa Sunday episode ng Kapuso Mo Jessica Soho para lalong maintindihan ng publiko ang desisyon ng singer-actor na aminin na bisexual ito.

Ang mga positive reaction at comment ng mga tao tungkol sa libro niya ang dahilan kaya magkakaroon si Mark ng book signing sa March 10, 6:30 p.m., sa Trinoma branch ng National Bookstore at sa March 17, 6:30 pm, sa National Bookstore Glorietta 1.

Paolo at Polo game na game sa halikan

Ang Amnesia Love na magbubukas ngayon sa cinemas nationwide ang unang movie directorial job ng television director na si Albert Langitan kaya nagpapasalamat ito sa tiwala na ibinigay sa kanya ng Viva Films, ang producer ng pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Yam Concepcion.

Dedicated ni Langitan ang Amnesia Love sa kanyang mentor at creative consultant ng pelikula, ang pumanaw na award-winning writer na si Jake Tordesillas.

Inspired ng isang true story ang kuwento ng Amnesia Love. Ayon kay Langitan, may kaibigan siya na nagkaroon ng sakit na malubha at ito ang nagsabi sa kanya ng “What if magkaroon ako ng amnesia at makalimutan ko na may sakit ako?”

Ang pahayag ng kanyang kaibigan na pumanaw na ang naging inspirasyon ni Langitan para isulat ang kuwento ng Amnesia Love na tungkol sa isang gay na ginampanan ni Paolo Ballesteros na naaksidente, nagkaroon ng amnesia at namuhay bilang tunay na lalake dahil nalimutan niya ang tunay na pagkatao.

Si Polo Ravales ang gumanap na boyfriend ni Paolo sa Amnesia Love at dahil lovers sila, may kissing scene ang dalawa sa pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More