Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mark Anthony tinangging walang pera

0 1,209

NI: VINIA VIVAR

Apparently, pera ang dahilan kung bakit nag-away sina Mark Anthony Fernandez at ang kanyang second wife base na rin sa post kahapon ng manager niyang si Lolit Solis.

Ayon kay Nay Lolit ay tumawag sa kanya ang alaga at ipinaliwanag kung bakit sila nag-away na mag-asawa na naging dahilan nga ng paga-alsa balutan ng aktor.

“Naku tumawag si Mark Anthony Fernandez at ipinaliwanag kung bakit nakikitira siya sa bahay ng isang kaibigan. Nag-away pala sila ng pangalawa niyang asawa na nagbago daw ng pakikitungo sa kanya mula ng bigyan niya ng pera,” post ni Nay Lolit.

Itinanggi rin daw ni Mark na wala siyang pera tulad ng mga haka-haka since nakikitira nga kasi siya sa kanyang kaibigan.

“At hindi daw tutoo na wala siyang pera dahil meron siyang 10 pictures contract sa Viva,” patuloy ng veteran columnist/manager

Hiling ni Nay Lolit ay maayos na raw sana ang problema ni Mark.

“Sabi ko naman mabuti kung maayos naman ang lagay niya , at sana nga ay maayos din ang problema niya dahil he is not getting any younger, matanda na siya at dapat may direksiyon na ang buhay niya.

“Saka bakit kailangan makitira siya sa bahay ng kaibigan di ba dapat meron siyang sariling bahay at duon siya tumuloy?

“Pero kung iyon ang mas gusto niya, ok lang pero sana nga hindi na madagdagan pa ng problema iyon kalagayan niya, sana naman , huwag siya iyon case ng getting older refusing to grow up. Sana as get older, the better Mark Fernandez will emerge,” pagtatapos ni Nay Lolit.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.