Una sa Balita

Mark Anthony at Claudine nangangamoy balikan

By
Mark Anthony Fernandez - Claudine Barretto at Vic del Rosario
0 7,938

Bilib pa rin si Boss Vic del Rosario sa team-up nina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto. Magkasama ang da­ting magka-loveteam at magkarelasyon nitong nakaraang araw para makipagmiting kay Boss Vic at mga anak na sina Vincent at Veronique.

Susugalan ng Viva na muling pagsamahin sina Mark at Claudine sa isang pelikula. Bilang negosyante, kilalang ‘sugarol’ si Boss Vic sa pagbibigay ng project sa mga artistang alam niyang kakagatin ng publiko.

Maraming natuwa siyempre sa tiwalang ibinigay ni Boss Vic kay Mark matapos lumaya sa kasong drugs na ibinintang sa kanya pero napawalang-sala­. Isa si Clau sa nagbunyi sa pagkakalaya ni Mark.

Kapwa naman kasi magagaling na artista sina Mark at Claudine kaya may puwang pa sila sa kanilang mu­ling pagsasama sa big screen. May humihiling pang fans na isama ang dalawa sa isang James Red-Nadine Lustre movie, huh!