Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marjorie inabsuwelto ni Dennis sa mga pangit na tsismis

0 90

Sa YouTube channel ni Julia Barretto na kung saan ay ang tatay niyang si Dennis Padilla ang ini-interview niya, na umabot na sa ngayon ng 694K view, napagusapan din nila ang tungkol sa nasirang relasyon ng ama sa kanyang ina na si Marjorie Barretto.

Prangkahang sinabi ni Julia na pinoprotektahan niya ang kanyang ina, at ayaw niya itong masaktan.

Pero, sa chikahan nga na `yon, pinabango ni Dennis si Marjorie. Inabsuwelto nito si Marjorie sa lahat ng pangit na tsismis noon.

“It became rocky because of my attitude, because of my temper. Marami rin akong dinaanan kaya ako naging ganun. Ang mommy mo, marami rin diinaanan dahil sa akin.

“Pero, na-realized ko, especially when I’m about to die, noong March 14, to 15, I thought I was going to die, nag-flashback lahat sa buhay ko mula noong elementary ako. And I saw my mistakes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Isa-isang pumasok, ang dami.

“Na-summarized ko ang buhay ko sa loob ng dalawang oras.

“Actually, I was the one to be blamed. Walang kasalanan ang nanay mo. Kasalanan ko `yon!” sabi ni Dennis.

Na-appreciate naman ni Julia ang pag-ako ni Dennis sa lahat ng kasalanan. At nagpasalamat nga ito na okey na sila ngayon, at nauwi na sa pagpapatawad ang lahat. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.