Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Marites’ ka kasi:Aktor nawalan ng raket sa panlalait kay aktres

0 176

Dahil sa pagiging marites ng aktor na ito kaya nawalan ng raket na pinagsisisihan niya.

Tuwing kukunin daw na mag-guest ang aktor, marami raw itong reklamo sa mga nakakasabay niyang mag-guest. Kung anu-ano raw ang sinasabi nitong kasiraan. Hindi nakakapagtakang Mema ang tawag sa kanya ng marami.

“Mema siya! Memasabi lang para magpapansin. Parati siyang may nasasabi sa mga nakakasabay niyang mag-guest. Kalalake niyang tao, chismoso at laitero. Sa ending naman, tatanggapin pa rin niya ang guesting. Pinaplastik na lang niya ang nakakasabay niya. Pero sinabi ko nga na balang-araw, yang matabil na bibig niya, ipapahamak siya at nangyari na nga kelan lang,” sey ng source.

Dahil hindi masuheto ang bibig ni Mema aktor, daldal siya ng daldal sa dressing room na hindi niya inaalam kung naka-on or off ba ang lapel mic niya. Nataon na noong tsinitsismis niya ang kasabay niyang aktres, naka-on ang lapel mic niya at dinig na dinig sa buong studio ang mga paninira niya.

Noong lumabas siya ng dressing room, nalaman niya na nag-walkout na ang aktres na inookray niya at masama ang tingin sa kanya ng buong staff. Doon lang nalaman ni Mema aktor na narinig ang lahat ng sinabi niyang tsismis sa aktres. Hindi na lang siya nagpaliwanag. Nag-sorry siya sa pagkaabala ng show at umalis na lang siya.

Kaya simula noon ay ban na si aktor na maging guest sa show dahil sa pagiging marites nito. Sayang dahil malaki pa naman daw ang talent fee niya tuwing nagge-guest siya sa show at ngayon ay bawal na siyang kunin ever. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.