Una sa Balita

Maris pinakabatang ‘Ms. PH beauty queen’

0 481

Susunod nga ba sa yapak nina Catriona Gray at Gazini Ganados ang young actress na si Maris Racal?

Well, tila another achievement o milestone na naman para sa aktres ang kanyang tatahakin sa pagganap bilang isa sa mga beaucon-tesera kasama ang real beauty queen na si Gloria Diaz sa isang iWant series.

“Gonna tell my kids I was the youngest Miss Philippines. May proof guys. #TheBeautyQueens soon!” ani Maris sa kanyang Twitter kalakip ang litratong ipinagmamalaki niya kung saan katabi niya nga si Gloria Diaz.

Very Maria Clara talaga ang datingan nina Maris at Gloria sa naturang litrato na talagang kitang-kita ang kanilang kagandahan. Naglalaban talaga ang beauty ni Gloria at Maris.

Maski malaki ang age gap ng dalawa, nagkakatapat pa rin talaga ang kanilang karisma. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy