Una sa Balita

Maris ninakawan ng halik sa labi ni Iñigo

0 292

Alam mo, Dondon, naaliw ako sa “I’m Ellenya L. movie nina Maris Racal at Iñigo Pascual. Kinilig din ako sa ex-sweethearts at bagay talaga sila, huh!

Feeling ko nga ay may chance pa rin na magkabalikan sina Maris at Iñigo!

Anyway, type na type ng mga fan nina Maris at Iñigo ang “I’m Ellenya L.” at palakpakan at hiyawan sila nang biglang halikan ng binata sa lips ng kanyang ex-girlfriend!

Star-studded nga pala ang premiere night nila dahil ang fiancée ng isa sa producers, si Neil Arce, si Angel Locsin ay dumating para mag-support.

Dumating naman si Michael V. para suportahan ang “Bubble Gang” co-star na si Boy2 Quizon na direktor at co-producer ng pelikula.

Marami ring ABS-CBN stars na dumating pati si Erik Santos.

Happy naman si Epi Quizon nang makatsikahan ko dahil maganda nga ang feedback sa directorial job ng nephew niyang si Boy2.

Ilan pa sa mga celebrity na nakita ko sa “I’m Ellenya L.” premiere night ay sina Marco Gumabao, Paulo Avelino, Maricar Reyes, Antonio Aquitania, PBB Housemates, mga Bidaman at iba pa.

Liza Diño walang kapaguran

Bilib ako sa stamina ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairwoman Liza Diño-Seguerra, huh!

Akala ko nagbibiro lang si CEB (Cinema Evaluation Board) Chairperson Christine Dayrit nang ikuwento niya sa akin na maglalagare ang misis ni Ice Seguerra sa premiere night ng limang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 noong Tuesday, pero true pala.

Unang pinuntahan ni Liza ang “I’m Ellenya L.” sa cinema 1 ng SM Megamall at nagkasalubong kami nang palabas na siya sa sinehan ng “Panti Sisters”.

Parang hinihingal na nga si Liza sa pagmamadali dahil bibiyahe naman sila pa-Trinoma para sa premiere night naman doon ng ilang pelikula (at meron pa yata sa SM North EDSA).

Bale nagpapakita lang si Liza dahil hindi naman niya kayang manood pa ng limang pelikula dahil sabay-sabay ‘yon, ‘noh?!

Anyway, mukhang positive naman ang dating ng PPP 2019 na magsisimula bukas. Maraming mga pelikulang mukhang kikita sa takilya, huh!

Mga artista bawal ma-late sa ABS-CBN Ball

Sa Saturday na magaganap ang ABS-CBN Ball 2019 sa Shangri-La The Fort sa BGC (Bonifacio Global City). Bawal daw magpa-late dahil may oras ang bawat star na rarampa sa red carpet.

Mas mahaba rin daw ang red carpet ngayon dahil mula 4th floor ng hotel ay lalakad papuntang 3rd floor kung nasaan ang ballroom.

So, mas bongga dahil mas mairarampa ng stars/celebrities ang kanilang modern Filipiniana outfits!

Live na mapapanood ang red carpet event sa ilang channels ng Kapamilya network lalo na sa Metro Lifestyle.

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy