Una sa Balita

Mario Maurer, Dean Cain at Encantadia stars sama-sama sa ToyCon!

By
Mario Maurer
0 4

Dahil ang GMA 7 ang exclusive TV media partner ng ToyCon ngayong taon, na kung saan ay dadalo nga ang mga international artists tulad nina Dean Cain, Kristian Nairin, Mario Maurer and Daniel Logal, kaya malaking event talaga ito para sa mga fans.

At dahil GMA nga ang partner nila, kaya asahan na ang pagdalo ng Encantadia stars na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez and Glaiza de Castro, bilang mga Sang’gre na sina Amihan, Alena, Danaya and Pirena.

Kasama rin nila sa event na ito sina Rocco Nacino, Ruru Madrid, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral, Pancho Magno, Buboy Villar, Carlo Gonzalez, Kate Valdez, Mikee Quintos, James Teng, Klea Pineda, Migo Adecer at Solenn Heussaff.

Bongga nga ito dahil suot ng ilan sa kanila ang Encantadia constumes. Ang director ng Encantadia na si Mark Reyes at ang lead visual designer na si Noel Flores ay dadalo rin.

Sa pamamahala ng The Asian Comics, Toys and Hobbies Collective Inc., ang ToyCon ang pinakamalaki at longest-running convention para sa mga collectibles, toys, games, movies, cosplay, at anime.

Mark at Christian, matindi ang tarayan sa Lip Sync!

Without using their gifted voices, ang mga balladeers na sina Christian Bautista at Mark Bautista, ay magpapatalbugan sa pagkanta, gamit ang boses ng ibang tao. Matagal ngang nag-decide ang dalawa kung sinong mga artists ang gagayahin nila sa Lip Sync Battle Philippines na mapapanood nga­yong gabi sa GMA 7. Ayaw nga kasing patalo ng dalawa sa isa’t isa.

Sabi ni Christian, lamang siya kay Mark, dahil mas kengkoy siya. Pero sabi naman ni Mark, mas matindi siya mag-perform kesa kay Christian, dahil hindi siya mahiyain, at all out din siya pagdating sa pakikipaglaban.

Expect their face-off to be another high energy and playful competition filled with hilarious revelations about each other and surprising performances.

Aside from the lip sync performances, Christian and Mark will also do impressions of each other at the beginning of the episode.