Una sa Balita

Marinong Pinoy patay sa kamay ng mga pirata

0 492

PINALAYA ng mga pirata ang tatlong marinong binihag mula sa sinalakay na Greek oil tanker sa Togo noong Nobyembre.

Namatay naman sa sakit habang bihag ng mga pirata ang ika-apat na hostage na isang Pili­pino, ayon sa European Products Carriers Ltd.
Ang Elka Aristotle tanker ay inatake 18 kilometro ang layo mula sa pantalan ng Lome noong Nobyembre 4. Binihag nila ang dalawang­ Pinoy, isang Griyego at isang Georgian.

Matapos palayain, sinalang sa debriefing ang tatlo bago sila pauwiin sa kani-kanilang bansa.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon sa pagkamatay ng marinong Pinoy.
“It is understood that his demise was not as a result of any action by those holding the crew hostage but due to illness,” ayon sa statement ng kompanya.

Talamak ang pagdukot at armed robbery sa mga naglalayag na barko sa Gulf of Guinea.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy