Una sa Balita

Marines ipoposte sa Bilibid

By
0 228

Iniulat ni Presidentia­l spokesperson Ernest­o Abella na papalitan ng mga miyembro ng Philippine Marines ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) bilang bantay sa National Bilibid Prisons (NBP) kasunod ng muling pagiging talamak ng kalakaran ng ilegal na droga sa national penitentiary.

Ayon kay Abella, nakipag-ugnayan na si PNP chief General Ronald Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa deployment ng Marines sa Bilibid.

Binigyang-diin ni Abella na hindi tatantanan ng administrasyong Duterte ang pagsugpo sa problema ng ilegal na droga.

Iniimbestigahan na aniya ang kalakaran ng ilegal na droga sa Bilibid at sinumang mapatunayang sangkot dito ay hindi sasantuhin.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More