Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Marine protected area ‘di mapapatituluhan

0 593

Magandang umaga po. Nais ko po sanang humingi ng payo tungkol sa pagpapatitulo ng lupa. May binigay na lupa ang aking byenan pero hindi po ito titulado. Ang aking byenan ay mahigit na 40 taon na nakatira sa lupang ito na dating marine zone pero ngayon o ay marami ng nakatira sa kasalukuyan. Noong nakaraang taon, ay nagsamasama ang mga walang titulo sa aming lugar upang magproseso ng pagpapatitulo ng lupa, ngunit sa proseso ay mayron daw po na naka-apply sa lupa na aming tinitinitirikan nun taong 1970’s at ang nasabing dokumento ay walang pangalan, at may kasunduan ng mga tao at ng nasabing may apply sa lupa. kaya humihinto na ang grupo para sa pagpapatitulo. Noong ginawa po nila ito ay wala ako at noon ay nag-aaral sa Maynila.

Nagsimula na po akong kumuha ng mga impormasyon hinggil dito, at aking napag- alaman na may ibang lupa na napatituluhan na, na sakop ng nasabing dokumento, noong taong 1980’s ; at ang lupang aming tinitirikan ay wala po nagbabayad na buwis. Gusto ko po na magkaroon ng panghahawakan upang masabing ang lupa at ang bahay na aming tinitigilan ay pagmamay-ari namin. Ano po ang dapat kong gawin? Nawa po ay mabigyan nyo po ito ng pansin, at umaasa sa inyo pong tugon. Maraming salamat po… God Bless po

Leo

Mr. Leo,

Ayon sa kwento mo ay hindi mapapatituluhan ang lupa na tinitirhan ninyo dahil ito ay classified na Marine Protected Area at iyan po ay mananatiling parte ng public domain. Ang lupa na nadeklarang alienable at disposable lamang ang siyang maaaring maging private property at pwedeng mapatituluhan.

Ang sabi ninyo ay hindi ito ibang lupa ang napatituluhan at ang lupang tinitirhan ninyo ay walang nagbabayad ng amilyar– ito ay dahil hindi po ito allowed na ariin ninuman dahil ito ay dapat na nasa pangangalaga ng estado.

Kung nais mong malaman ang present status ng lupa ay pumunta ka sa opisina ng Director of Lands at alamin kung ano na ang classification ng lupa na inyong tinitirhan. Kapag nalaman mo na ito ay classified na alienable and disposable ay maaari ka nang mag start na magpatitulo. Unahin mo ang pagpapagawa ng Tax Declaration ng lupa at ng bahay ninyo na magiging ebidensya ng possession ninyo maliban sa mga ibang ebidensya ng matagal na kayong naninirahan sa lupa.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 02 45 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

Please subscribe to my youtube channel (Ito ba ang Batas with Atty. Claire Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.