Una sa Balita

Marina pasisiglahin ang cruise industry

By
0 172

Sisimulan ng Maritime Industry Authority (Marina) ang lokal na cruise shipping industry sa Pilipinas matapos ang ginawa nilang pag-endorso ng operasyon ng mga cruise ship.

Ayon kay Marina Administrator Rey Leonardo Guerrero, hinihikayat nila ang lahat ng shipping company na mag-ope­rate ng mga cruise ship sa ­Pilipinas.

Layunin nito na maia­ngat ang turismo sa bansa.

Gayunman, sa kabila nito ay tiniyak ng Marina na tututukan nila ang pag-regulate sa industriya sa pamamagitan ng implementasyon ng mga istriktong polisiya para sa acquisition at operasyon ng mga local cruise ship.

Para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga cruise na bibiyahe tatanggapin ay iyong mga cruise ship na hanggang 20 taon lamang ang edad.

Gayundin, ang mga cruise ship maging ito man ay bago o luma na ay  kinakailangan dumaan sa  International Association of Classification Societies (IACS) para matiyak na pasado ito sa technical standards, nakasunod sa maritime safety at environmental protection.

Pawang mga Filipino seafarer lamang ang papasukin para magmando ng mga cruise ship.